IBCTV13
www.ibctv13.com

Pag-alis ng buwis sa incentives, rewards ng Pinoy athletes, lusot na sa Kamara

Ivy Padilla
206
Views

[post_view_count]

Speaker Romualdez presented to the Filipino Olympians and their respective coaches their Congressional Medal of Distinction. (Photo by House of Representatives)

Sa botong 203 pabor, inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 10723 na layong amyendahan ang Republic Act 10688 o ang National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Acts nitong Miyerkules, Agosto 21.

Layon nitong alisin ang local and international tax at charge sa matatanggap na insentibo, gantimpala, bonus at rewards ng mga Pilipinong atleta at kanilang coach mula sa mga nilahukang international sports competition.

Bukod dito, layunin din ng panukala na kilalanin ang mga donasyon at training related-expenses na ginamit bago ang kompetisyon bilang ‘allowable deductions from gross income for purposes of computing the taxable income of the donor’.

Sakop ng panukalang batas ang tax exemption sa mga insentibo at reward na natanggap ng mga Pilipinong atleta at coach simula Enero 1, 2024.

Una na rito, sinabi pa ni House Speaker Martin Romualdez na pinag-aaralan nila ang pagbibigay ng ‘lifetime monthly pension’ sa mga Filipino athletes na mananalo ng medalya sa Olympics sa oras na tumuntong sila ng 40 taong gulang.

“The honor our Olympians Carlos Yulo and Hidilyn Diaz gave our country is immeasurable and priceless, but we can acknowledge their hard work and triumph by way of benefits from the government,” saad ni Romualdez.

Matatandaang nag-uwi ng karangalan sa iba’t ibang larangan at palaro ang mga Pilipinong atleta sa katatapos lang na 2024 Paris Olympics kabilang si double gold medalists Carlos Yulo, at kapwa bronze medalists na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio. -VC

Related Articles