IBCTV13
www.ibctv13.com

Pag-alis sa travel tax, isinusulong ng isang mambabatas

Ivy Padilla
64
Views

[post_view_count]

Photo by Rep. Sandro Marcos, House of Representatives

Inihain ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos ang House Bill (HB) No. 7443 na naglalayong alisin ang travel tax bilang tugon sa pasanin ng mga Pilipinong biyahero.

Sa ilalim ng panukalang batas, bubuwagin ang travel tax na ipinatutupad sa bisa ng Presidential Decree No. 1183 at mga kaugnay na probisyon ng Tourism Act of 2009, na kasalukuyang umaabot sa P2,700 para sa mga first-class passenger at P1,620 para naman sa mga biyaherong nasa economy class.

Binigyang-diin ni Marcos na malaking bawas ito sa pondong maaari sanang ilaan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilya o di kaya’y sa local economic activity.

Nilinaw naman ng mambabatas na hindi ito nangangahulugang ititigil na ang suporta sa turismo, kultura, at edukasyon na kasalukuyang nakikinabang sa nalilikom na buwis.

Sa halip, ililipat ng panuka+lang batas ang pondo para sa mga ahensya tulad ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, Commission on Higher Education, at National Commission for Culture and the Arts sa General Appropriations Act.

“Public programs should be sustained through transparent budgeting, not through charges that disproportionately affect travelers. This approach ensures continuity of funding while removing an unnecessary burden on the public,” ani Marcos.

Dagdag pa niya, ang pagpapababa travel cost ay makatutulong sa pagpapasigla ng mga industriyang umaasa sa turismo, kabilang ang mga hotel, transport service, at maliliit na negosyo.