IBCTV13
www.ibctv13.com

Pag-ban ng China kay DND Sec. Teodoro at kanyang pamilya, isang “unfriendly act” – DFA

Michael Peronce
192
Views

[post_view_count]

(Photo from DND)
Itinuturing na “unfriendly act” ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang ibinabang sanksyon ng Beijing laban kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. at kanyang pamilya.

Ayon kay DFA Spokesperson Analyn Ratonel, ang naturang hakbang ay nagpapakomplika lamang sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Matatandaan nitong Huwebes, Hunyo 11, pinagbawalan ng China si Teodoro at ang kanyang asawa’t anak na pumasok sa mainland China, Hong Kong at Macao, kasabay ng pagbabawal sa Chinese organizations at mga indibidwal na magsagawa ng pakikipagtransaksyon sa kanila.

Nag-ugat ang nasabing sanksyon ng China matapos akusahan si Teodoro na umano’y nagbigay ng iresponsableng pahayag na nakakapinsala sa kanilang lehitimong interes at sumasabotahe sa relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

“Such measures do not contribute to building mutual trust, managing differences responsibly, or creating the conditions necessary for constructive engagement between our two countries,” saad pa ni Ratonel.

Nagpaabot na ng pahayag si Secretary Teodoro Jr. kaugnay sa sanksyon at nanindigan sa pagpapatuloy ng kanyang tungkulin sa Pilipinas sa gitna ng ginagawang panggigipit ng kapwa bansa sa Asya.

“Itutuloy-tuloy ko lang na gagawin ang aking tungkulin at itataguyod ang ating bansa sa harap ng mga kasamaan na ginagawa ng mga ito dito at maging sa karagatan natin,” pagtitiyak ng kalihim. – IP