Kinilala ang Pag-IBIG Fund bilang isa sa Top 10 Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) ng Governance Commission for GOCCs (GCG) sa ginanap na awarding ceremony sa Pasay City kamakailan.
Napabilang ang Pag-IBIG Fund sa listahan ng pinakamahusay na GOCCs batay sa Corporate Governance Scorecard at Performance Evaluation System (PES) ng GCG para sa taong 2023.
Lubos naman ang pasasalamat ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na siya ring Chairman ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees para sa naturang pagkilala.
“We are truly honored to be one of the top 10 GOCCs recognized by the GCG. This is yet another testament to Pag-IBIG Fund’s consistently outstanding performance that it is known for,” mensahe ni Acuzar.
“This further inspires us to continue doing our best, as we continue to heed the directive of President Ferdinand R. Marcos, Jr. in pursuing excellence in government service so that more of our countrymen can gain better lives through Pag-IBIG Fund’s programs and services,” dagdag pa nito.
Ang Pag-IBIG Fund ay patuloy na umaani ng pagkilala dahil sa kanilang kontribusyon sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng abot-kayang pabahay at savings programs. – AL