IBCTV13
www.ibctv13.com

PAGASA: Maaliwalas na panahon, asahan sa Metro Manila ngayong weekends

Ivy Padilla
300
Views

[post_view_count]

(IBC-13 file photo)

Mararamdaman na ang mas maaliwalas na panahon sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon ngayong weekends ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“Posibleng sumikat na ang haring araw at ‘yung mga kabayan natin, pwede na maglaba. Mas maganda kung bukas tayo maglalaba, mas matutuyo po,” ulat ni PAGASA weather forecaster Ana Clauren Jordan.

Ngayong Biyernes, nararanasan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, MIMAROPA, natitirang bahagi ng Ilocos Region, at Central Luzon.

Kung ikukumpara, mas maaliwas ito kaysa sa mga nagdaang araw kung saan nakaranas ang bansa ng pabugsu-bugsong malalakas na pag-ulan.

Samantala, patuloy na mararanasan ang epekto ng trough ng Super Typhoon Yagi o dating bagyong Enteng sa extreme Northern Luzon habang palalakasin din nito ang Habagat sa natitirang bahagi ng Luzon.

Inaabisuhan ang publiko na maging handa sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon. -VC

Related Articles