IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagbabakuna sa mga baboy sa Batangas vs ASF, sisimulan na sa susunod na linggo – DA

Divine P. Paguntalan
308
Views

[post_view_count]

Photo by PNA
Iniulat ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na sisimulan na sa susunod na linggo ang pagbabakuna sa mga alagang baboy sa Batangas kasunod ng inaasahang 10,000 dose ng African swine fever (ASF) vaccine na darating sa probinsya.
Bagaman kaunti lang ang 10,000 doses para sa buong lalawigan, nilinaw ng kalahim na malaking tulong pa rin ito para ma-isolate ang dalawa o tatlong barangay.
“Everything is in process already. We are set to purchase 600,000 doses of ASF vaccine,” saad ni Secretary Laurel.
Magsisimula ang vaccination sa mga baboy sa munisipalidad ng Lobo dahil ito ay kinokonsidera bilang ‘ground zero’.
Matatandaang nagdeklara na ng state of calamity sa Batangas dahil sa pagdami ng kaso ng ASF sa probinsya.
Samantala, plano na ng kagawaran na dagdagan pa ang bilang ng checkpoints sa Metro Manila matapos maharang ang dalawang truck na may bitbit na higit 100 na baboy at napag-alamang positibo sa ASF. –VC

Related Articles