IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagbagsak ng isang poste ng MRT-7 sa West Ave, hindi makakaapekto sa integridad ng proyekto – DOTr

Ivy Padilla
60
Views

[post_view_count]

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) sa publiko na nananatiling matatag at buo ang integridad ng Metro Rail Transit-7 (MRT-7) sa kabila ng bumagsak na isang poste sa kahabaan ng West Avenue sa Quezon City nitong hapon ng Linggo, Abril 13.

Ayon kay DOTr spokesperson Ramon Ilagan, kasalukuyan nang nangangalap ng impormasyon ang ahensya para imbestigahan ang nangyaring insidente.

“We cannot avoid such accidents, but this one’s part of the MRT-7. We’re just getting some reports,” ani Ilagan.

“The good thing about this is that even if there was an accident, it already happened now rather than when it’s operational. We should really ensure the safety of our countrymen,” dagdag pa niya.

Binanggit ng opisyal na magpapatuloy ang partial operations ng MRT-7 na inaasahang magsisimula bago matapos ang taong 2025 o di kaya’y sa susunod na taon.

Bukod sa mga naapektuhang kable ng kuryente, wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing insidente. – VC