IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagbili ng gamot, medical devices, mas pinadali na para sa senior citizens, PWDs

Divine Paguntalan
186
Views

[post_view_count]

(Photo from PIA)

Naglatag ang Food and Drug Administration (FDA) ng mga bagong hakbang upang gawing mas simple at abot-kaya ang pagbili ng gamot at medical devices.

Layon ng planong ito na hindi na mahirapan ang mga senior citizen at Persons with Disabilities (PWDs) sa kanilang mga bilihin para sa kalusugan.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 2024-0017, hindi na kinakailangang magpakita ng senior citizen booklet para makamit ang diskwento sa mga produktong pangkalusugan.

Pinag-aaralan na rin ng FDA ang pagpapalawak ng mga benepisyong ito para maging sakop din ang PWDs at mas epektibong pagpapatupad ng VAT exemption sa ilalim ng CREATE Law.

Nais ng ahensiya na magkaroon ng mas malawak na benepisyo ang mga nabanggit na sektor sa pamamagitan ng pagsusuri sa iba pang umiiral na batas na nagbibigay ng diskwento at VAT exemption.

Kasabay nito, maglulunsad ang FDA ng malawakang information drive upang maipabatid ang mga bagong alituntunin sa publiko.

Inaasahan ng FDA na magiging malaking ginhawa ito para sa senior citizens at PWDs, lalo na sa mga nasa mahihirap na komunidad habang makikinabang din ang mga botika at healthcare providers sa mas pinadaling sistema ng transaksyon. – VC