IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagbuhay sa pelikulang Pilipino, suportado ng administrasyong Marcos Jr.

Jerson Robles
122
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos led the 5th “Konsyerto sa Palasyo” dedicated to Filipino filmmakers on Sunday, December 12. (Photo by Darryl John Esguerra/PCO)

Pinuri ng mga filmmaker at mga kilalang artista ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa suporta nito sa industriya kasabay ng pagsasagawa ng Konsyerto sa Palasyo: ‘Para sa Pelikulang Pilipino’, nitong Linggo, Disyembre 11.

Ipinagpasalamat naman ng mga filmmaker ang pagsasagawa ng ikalimang edisyon ng Konsyerto sa Palasyo na pinangunahan mismo nina Pangulong Marcos Jr. at ni First Lady Liza Araneta-Marcos bilang pagkilala sa kontribusyon ng industriya ng pelikula sa sining at kultura ng bansa kasabay ng pagbibigay suporta rito.

“It proved, once and for all, that this is one administration that does not just really give lip service. It’s not merely a set of promises, it’s not merely reaching out to the Philippine film industry when there is something needed from the people of the industry,” saad ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson and CEO Jose Javier Reyes.

“Here, we see a deliberate and concentrated, and concerted effort of the administration to really help the film industry, which is in dire need of the support of the government,” dagdag pa nito.

Malaki rin ang pasasalamat ng beteranong aktres na si Lorna Tolentino sa suporta mula sa pamahalaan bilang hakbang upang lalong bumalik ang interes ng mga Pilipino sa mga pelikulang gawang Pinoy

“Mahalaga para industriya ng pelikula na mabuhay ulit kasi nga matagal nang walang masyadong tumatangkilik sa pelikulang Pilipino. Sana ito ‘yung start ulit lalong-lalo na sa Metro Manila Film Fest. I think dun nagsimula muli ‘yung pagiging masigasig ulit ng mga manonood ng mga pelikula,” paliwanag ni Tolentino.

Binigyang-diin naman ng aktres na si Gladys Reyes ang importansya ng pagsuporta ng administrasyon sa industriya ng pelikula.

“Napakalaking bagay po na alam naming may suporta mula sa gobyerno, lalo na po sa ating Pangulo. Sana po talaga tuloy-tuloy na ito… doble po ‘yung kaligayahan na malaman namin na mayroong ganitong event sa Palasyo sa pangunguna nga po ng ating Pangulo,” ayon kay Reyes.

Nagpasalamat din ang aktor na si Enrique Gil sa pamahalaan para sa pagsasagawa ng konsyerto na nagbigay-daan para buhayin ang pelikulang Pilipino.

Kasabay ng Konsyerto sa Palasyo ay ipinakilala na sa publiko ang 10 pelikula para sa ika-50 edisyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na mapapanood sa mga sinehan simula Disyembre 25, 2024 hanggang Enero 7, 2025. – AL

Related Articles

National

Jerson Robles

66
Views