IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagde-deploy ng US missile assets sa Pilipinas, legal at naaayon sa soberanya – DND

Jerson Robles
112
Views

[post_view_count]

Photo from Department of National Defense – Philippines

Nanindigan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. na ang pag-de-deploy ng U.S. mid-range missile assets sa Pilipinas ay legal at naaayon sa soberanya ng bansa.

Sa isang pahayag, ipinaliwanag ni Sec. Teodoro na bahagi ito ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC) na naglalayong palakasin ang kakayahan ng Pilipinas sa depensa.

Ayon kay Teodoro, ang anumang deployment at procurement ng mga asset na may kaugnayan sa seguridad at depensa ng Pilipinas ay nakapaloob sa soberanya ng bansa at hindi dapat isailalim sa veto ng ibang bansa.

Kasunod ng anunsyo, nagbigay ng babala ang Chinese Communist Party (CCP) hinggil sa pag-deploy ng missile system, na sinasabing nagdudulot ng tensyon sa rehiyon.

Giit naman ni Teodoro, kung totoong nais ng CCP na mabawasan ang tensyon, dapat nilang itigil ang kanilang mga agresibong aksyon at igalang ang mga internasyunal na batas.

Ayon kay Lieutenant-General Roy Galido, Chief of Staff ng Philippine Army, ang Typhon missile system ng Estados Unidos ay mahalaga para sa pagpapatupad ng archipelagic defense strategy ng bansa.

“It is planned to be acquired because we see its feasibility and its functionality in our concept of archipelagic defense implementation,” paliwanag ng opisyal.

Sa kabila ng mga banta mula sa ibang bansa, patuloy ang Pilipinas sa pagpapalakas ng depensa nito sa mga nasasakupang teritoryo.

Sa ganitong paraan, umaasa ang DND na makakamit ang mas matatag na depensa at mas maliwanag na hinaharap para sa bansa. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

60
Views

National

Jerson Robles

83
Views