IBCTV13
www.ibctv13.com

Paggamit ng ‘animation’ sa basic education, pinag-aaralan ng DepEd

Divine Paguntalan
415
Views

[post_view_count]

Education Secretary Sonny Angara met with the Animation Council of the Philippines, Inc. (ACPI) on September 25, 2024. (Photo by DepEd)

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng animation bilang makabagong paraan ng pagtuturo ng mga aralin sa basic education upang mas maging engaging at creative ang pag-aaral ng mga estudyante.

Nakipagpulong na si Education Secretary Sonny Angara sa Animation Council of the Philippines Inc. (ACPI) upang talakayin ang mga posibilidad na ma-integrate ang animation sa mga silid-aralan.

“Education Secretary Sonny Angara met with the Animation Council of the Philippines Inc. (ACPI) today to discuss possible partnerships to enhance learning delivery through animation in basic education,” pahayag ng DepEd.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malaking plano ng DepEd na gawing makabago ang sistema ng edukasyon ng bansa.

“Sec. Angara welcomed ACPI’s insights and recommendations in basic education to help DepEd in the content development of learning materials and strengthening animation in the Arts and Design track in Senior High School,” dagdag ng kagawaran.

Bukod sa paggamit ng animation, target din ng DepEd na palawakin ang mga serbisyong pangkalusugan para sa mga estudyante at guro, lalo na sa malalayong lugar.

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng holistic approach ng ahensya upang mas mapaunlad ang kalidad ng edukasyon at kalusugan ng mga kabataan. — VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

78
Views

National

Ivy Padilla

81
Views