IBCTV13
www.ibctv13.com

Paghalughog sa KOJC compound, walang nilabag sa karapatang pantao – Pangulong Marcos Jr.

Divine Paguntalan
340
Views

[post_view_count]

Davao Police during their operation to serve a warrant of arrest against Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy. (Photo by PRO 11)

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang ginawang anumang paglabag sa karapatang pantao ang Philippine National Police (PNP) habang hinahalughog ang compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) upang ihatid ang warrant of arrest sa lider at Pastor na si Apollo Quiboloy.

Ipinaliwanag ng Pangulo na kailangan para sa deployment na ito ang sapat na bilang ng mga pulis sa KOJC compound upang mapanatili ang kapayapaan sa lugar at maayos naman nilang ginawa ang operasyon.

“The only way to maintain the peace is to make sure that the area is safe and is secure. And considering this is a 30-hectare compound, kailangan mo talaga ng maraming tao. Hindi mo pwedeng gawin ito na isang dosenang pulis [lamang],” paglilinaw ng Punong Ehekutibo.

Nilinaw din ni Pangulong Marcos Jr. na walang nangyaring pamumulitika kaugnay sa deployment ng malaking bilang ng kapulisan sa lugar.

“I do not see, I think what they are talking about is political na ‘yan, hindi na totoo ‘yan,” pahayag ng Pangulo.

Nitong Sabado, Agosto 24 nang mag-umpisa ang operasyon ng PNP sa KOJC compound upang maihatid ang warrant of arrest para kay Quiboloy na hinihinalang nagtatago lamang sa lugar. – AL

Related Articles