IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagkalat ng deepfake sa internet, tinutukan ng DICT

Alyssa Luciano
274
Views

[post_view_count]

(File photo)

Patuloy na tinututukan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang pagtugon sa mga isyu ng pagpapakalat ng deepfake.

Sa panayam ng IBC-13 kay DICT Secretary Ivan John Uy ngayong Lunes, Setyembre 23, iniulat nito na nakikipagtulungan na ang ahensya sa mga social media platform upang masala ang mga nagkakalat na video at malaman kung peke ba ito o tunay.

Puspusan din aniya ang pagkilatis ng DICT upang malaman kung alin ang misinformation, disinformation, at deepfakes na lalagyan ng mga ‘watermark’ o ‘tag’ upang maging madali sa internet users na matukoy kung peke ang isang video.

“Parang ano na, the social media platforms will exercise what a movie classification check. To check the veracity of that,” paglilinaw ni Uy.

Bagama’t hindi pa natatapos, nakikitaan ng kalihim ng potensyal ang inisyatiba na makatulong sa problemang kinahaharap ng mga Pilipino lalo na sa mga mabilis mapaniwala sa mga nakikita online.

“If we cannot stop it, then at least we warned the public that what they are seeing is not true. What they are seeing is not authentic,” paliwanag pa ng kalihim.

Kaugnay naman sa paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) para sa nalalapit na midterm elections sa 2025, patuloy din na nakikipag-ugnayan ang ahensya.

“We guide COMELEC on the technology, on the strategy, on the system, on the safeguards that need to be put in place,” saad ni Uy na tumatayo rin bilang chairman ng COMELEC Advisory.

Paliwanag naman nito, bagama’t sila ang nagbibigay ng abiso sa COMELEC, nasa komisyon pa rin kung susundin nila ito o hindi. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

68
Views

National

Ivy Padilla

56
Views