IBCTV13
www.ibctv13.com

Paglagda sa 2025 national budget, ipagpapaliban, susuriin ni PBBM – Malacañang

Divine Paguntalan
280
Views

[post_view_count]

(Photo by PCO)

Pansamantalang ipagpapaliban ang nakatakdang paglagda sa 2025 General Appropriations Act (GAA) sa darating na Biyernes, Disyembre 20, ayon sa anunsyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Layon nitong bigyang-daan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas kilatisin pa ang mga pondong nakalaan sa bawat ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang budget cut sa Department of Education (DepEd) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“The scheduled signing of the General Appropriations Act on December 20 will not push through to allow more time for a rigorous and exhaustive review of a measure that will determine the course of the nation for the next year,” saad ni ES Bersamin.

Samantala, dinipensahan naman ng Pangulo ang pagtaas sa proposed budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan mula P900-bilyon ay tumaas ito sa P1.113-trilyon dahil aniya para ito sa kaligtasan ng mga Pilipino.

“But public works is still going to be one of the top recipients of budget because marami na tayong ginagawa,” paliwanag ni Pangulong Marcos Jr. sa isang interview.

“We have big projects that we have to put in place. Infrastructure is important. And don’t forget flood control became such a big, big part of the work of the DPWH,” dagdag niya.

Bagaman wala pang detalye sa kung kailan ang araw ng paglagda, tiniyak ng Palasyo na tatapusin ito bago ang kapaskuhan.

Posible ring i-veto ng Pangulo ang ilang mga provision sa national budget bill ayon kay Bersamin.

Matatandaang noong Disyembre 11 ay inaprubahan sa bicameral conference committee ang House Bill No. 10800 o ang panukalang national budget para sa taong 2025 na nagkakahalaga ng P6.352 trillion. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

60
Views

National

Ivy Padilla

112
Views

National

Ivy Padilla

93
Views