IBCTV13
www.ibctv13.com

Paglalabas ng SALN, livestream ng ICI hearings, suportado ng mga mambabatas

Earl Tobias, Hecyl Brojan
78
Views

[post_view_count]

Copy of a Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) of public officials, including those of the president and the vice president. (Photo from Civil Service Commission and House of Representatives)

Ipinahayag ng ilang kongresista mula sa House Minority Bloc ang kanilang suporta sa desisyon ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na isapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), para maibalik ang tiwala ng publiko sa Kamara.

Ayon kina Akbayan Representative Perci Cendana at Kamanggagawa Partylist Representative Eli San Fernando, magandang halimbawa ito para hikayatin ang iba pang mambabatas na boluntaryong isapubliko rin ang kani-kanilang SALN.

“Maganda na ‘yung hakbang ni Speaker Dy, dapat pamarisan ito ng Members of the House of Representatives, kung wala pong tinatago ang ating mga kasamahan dito sa House of Representatives,” ani Rep. San Fernando.

Sa ngayon, kabilang si House Speaker Dy sa 10 kongresistang naglabas na ng kanilang SALN.

Pinuri rin ni Rep. San Fernando ang hakbang ng pamunuan ng Kamara sa pagpapakita ng transparency, lalo na sa gitna ng mga alegasyon ng anomalya sa flood control projects.

Kasabay nito, ikinatuwa rin ng mga mambabatas ang desisyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na i-livestream ang mga pagdinig nito, upang masaksihan ng publiko ang takbo ng imbestigasyon.

Dagdag pa ni San Fernando, “Makikita ng sambayanang Pilipino, at kung wala kang kinalaman sa flood control scandal, edi malilinis mo ‘yung pangalan mo.” – VC

Related Articles

National

Veronica Corral

135
Views

National

Jaybee Santiago, Hecyl Brojan

125
Views

National

Mary Ann Tolentino, Hecyl Brojan

82
Views