IBCTV13
www.ibctv13.com

Paglikha ng 5,000 non-teaching positions ng DepEd, aprubado na

Michael Peronce
70
Views

[post_view_count]

Official Gazette Photo

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagbuo sa 5,000 non-teaching positions sa mga paaralang pinamamahalaan ng Department of Education (DepEd) sa buong bansa upang pagaanin ang tungkulin ng mga guro sa pagsasagawa ng mga administrative task.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, lubos itong makatutulong sa mga guro dahil mabibigyan nila ng prayoridad ang pagbibigay ng magandang kalidad ng pagtuturo na kalauna’y magpapalakas sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Mapapabilang ang 5,000 bagong non-teaching positions ng DepEd sa Administrative Officer (AO) II positions na may Salary Grade (SG) 11 para sa Fiscal Year (F.Y.) 2024 at ide-deploy sa School Division Offices at mga paaralan sa bansa. -AL

Related Articles