IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagpapabalik kay Garma sa Pilipinas matapos arestuhin sa California, inaasikaso na – DOJ

Divine Paguntalan
175
Views

[post_view_count]

Former PCSO General manager Royina Garma during the House Quad-Committee hearing. (Photo by House of Representatives)

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakaaresto kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager at Retired Police Colonel Royina Garma at kanyang anak sa San Francisco, California sa USA nitong Nobyembre 7.

Sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG), ipinag-utos na ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang ligtas na pagpapabalik kay Garma sa Pilipinas.

Bagaman wala namang nakabinbin na kaso laban kay Garma, nais ng DOJ na maging patas ang imbestigasyon at makipagtulungan pa rin siya sa mga isyu na may kinalaman sa interes at kaligtasan ng mga Pilipino, partikular sa usapin na Extrajudicial killing (EJK).

“We are committed to seeing justice served in every case and to upholding the integrity of our justice system, especially when it involves our country’s significant issues and concerns. While we work to ensure the safe return of Ms. Garma, we trust that she will remain cooperative with all ongoing investigations,” pahayag ni Remulla.

Matatandaan na isa si Garma sa pangunahing resource person sa pagdinig ng House Quad-Committee sa EJK na iniuugnay sa kampanyang war on drugs ng nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna namang ipinahayag ni Quad-Comm Chair Robert Ace Barbers na natapos na ang detention ni Garma sa Kamara matapos ma-contempt kaya hindi na siya kinakailangan pang i-detain.

Gayunpaman, sakaling kailanganin ang kanyang salaysay sa pagdinig ay muli itong iimbitahan. – VC

Related Articles