IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagpapalakas ng mga oportunidad sa trabaho, pangako ni PBBM

Ivy Padilla
173
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. leads the 2024 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas (PAFIOO) at the Ceremonial Hall in Malacañan Palace on December 11. (Screengrab from RTVM)

Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangako ng gobyerno na pagsulong ng mga reporma sa pamamahala at ekonomiya upang higit na mapalakas ang mga oportunidad sa trabaho sa Pilipinas.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na pangarap niyang mabago ang pananaw ng bawat isa pagdating sa pagtratrabaho sa ibang bansa.

“Our dream is to, one day, make overseas work a choice rather than a necessity,” pagbibigay-diin ng Pangulo sa ginanap na awarding ceremony ng 2024 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas (PAFIOO) ngayong araw, Disyembre 11.

Kasabay nito, kinilala niya ang milyun-milyong overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya na piniling lumipat sa ibang bansa para magtrabaho.

Dito ay tiniyak ng Pangulo na patuloy ang dedikasyon ng pamahalaan para pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng bawat isa.

“Our embassies and consulates abroad remain vigilant in looking after our people wherever they may be in the world,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Kabilang aniya sa mga inisyatiba ng gobyerno ang pagpapalakas sa labor agreements sa mga banyagang bansa, pagsulong ng mga kampanya kontra illegal recruitment at trafficking, at paggamit sa Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na Nangangailangan Fund.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nagpaabot ang Pangulo ng pagbati sa bawat manggagawang Pilipino ngayong nalalapit na Kapaskuhan at para sa pagdiriwang ng Overseas Filipino month.

“And as you spend time with your loved ones, I invite you to revisit the beauty of our country, the richness of our culture, and the warmth of our people,” bahagi ng mensahe ng Pangulo. – VC

Related Articles