IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagpapatuloy ng gov’t projects kahit magpalit ng administrasyon, mandato ng itinatag na DEPDev

Divine Paguntalan
88
Views

[post_view_count]

Sa layuning mas palakasin ang plano at direksyon ng ekonomiya ng Pilipinas, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Abril 10 ang Republic Act No. 12145, na nagtatatag sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).

Ito ay nagsisilbing reorganisasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa ilalim ng bagong ahensya ay magkakaroon nang mas malawak na mandato bilang pangunahing ahensyang tagapayo at tagapagsubaybay sa progreso ng mga proyekto para sa ekonomiya ng buong bansa.

Kasama sa mandato ng DEPDev ang tiyakin na ang pambansa at panrehiyong plano ay magkakaugnay at tuluy-tuloy ang implementasyon sa kabila ng pagpapalit ng liderator o administrasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng isang long-term infrastructure master plan.

Layunin ng DEPDev na iwasang maantala o makansela ang mga mahahalagang proyekto at agad na matugunan ang tunay na pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino.

“The new law gives that mandate to DEPDev, serving as a link between the outgoing administration and the incoming administration,” saad ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan.

“In other words, once a long-term infrastructure master plan is adopted by the Cabinet through DEPDev, it will not be easy for any Cabinet member, like a Secretary of Public Works or Secretary of Transportation, to just ignore the presence of such masterplan and not unless the Cabinet and the President convene to approve the masterplan,” dagdag niya.

Palalakasin ng DEPDev ang kakayahan ng mga kinauukulang ahensya sa pambansa at lokal na pamahalaan na bumuo ng mga polisiya na magbibigay ng pantay-pantay na oportunidad para sa lahat ng nasasakupan.

Binigyang-diin ni Balisacan na makatutulong ang DEPDev sa pagtiyak ng “future-ready, well-coordinated, and institutionally robust system” para sa pamamahala sa ekonomiya ng bansa. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

138
Views

National

Divine Paguntalan

94
Views