
Inaprubahan na ni Russian President Vladimir Putin ang pagpapalaya sa 24 na Pilipinong nakadetine sa Russia matapos ilapit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang kalagayan sa isinagawang bilateral meeting ng dalawang lider sa Kazan, Russia.
Sa isang Facebook post, nagpasalamat ang Pangulo kay Pres. Putin at sa pamahalaan ng Russia sa kanilang pakikipagtulungan upang maresolba ang kaso.
“After nine months in detention, 24 Filipinos in Russia will finally be on their way home to be reunited with their families. I thank President Vladimir Putin and the Russian Federation for their assistance and cooperation in bringing this matter to a positive resolution,” anunsyo ng Pangulo.
Ang mga Pilipino ay iniulat na nadetine noong 2025 matapos umanong mabiktima ng illegal recruitment scheme na nagpadali sa kanilang pagpasok sa Russia.
Sa Kapihan with the Media bago ang kanyang byahe pabalik sa Maynila, inanunsyo ng Pangulo na agad niyang binanggit kay Putin ang kalagayan ng mga nasabing Pilipino na ikinagulat at ikinabahala nito.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang Russian leader na aksyunan agad ang sitwasyon.
Sa kanilang dinner meeting kasunod ng bilateral talks, tiniyak ni Putin kay Pangulong Marcos Jr. na kikilos ang pamahalaan ng Russia upang maresolba ang isyu.
“I remember the last thing he said last night after we were talking about it. He said, ‘Don’t worry, we will find a way. We will find a way to fix this problem,'” ayon sa Pangulo.
Nakatakdang i-deport sa Pilipinas ang 24 na Pilipino alas-5 ng hapon, bukas, Hunyo 20, bilang bahagi ng kanilang repatriation process.
“They are ready for deportation tomorrow by 5 p.m. So, those 24 will be going home, back to the Philippines and back to their families,” dagdag ng Pangulo. – VC











