IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagreorganisa sa NEDA bilang DEPDev, aprubado ni PBBM

Ivy Padilla
97
Views

[post_view_count]

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12145 o ang reorganisasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) bilang Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) nitong Huwebes, Abril 10.

Sa ilalim ng bagong batas, ang DEPDev ang magsisilbing pangunahing ‘policy, planning, coordinating, and monitoring arm’ ng ehekutibong sangay sa pangangasiwa ng pambansang ekonomiya.

“The DEPDev shall formulate a long-term vision, hereinafter referred to as the Vision, which embodies the long-term aspirations of all Filipinos. It shall be data-driven and evidence-based, encompassing all dimensions of economic, social, and environmental development,” saad sa RA 12145.

Bukod dito, nakasaad din ang pagsasaayos ng NEDA Board bilang Economy and Development (ED) Council na siyang pamumunuan ng Pangulo ng Pilipinas.

Ang mga ahensya na kasalukuyang nasa ilalim ng NEDA ay mananatili kung saan magpapatuloy pa rin ang kanilang operasyon.

Binigyang-diin ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na makatutulong ang nasabing hakbang sa pagtiyak ng ‘future-ready, well-coordinated, and institutionally robust system’ para sa pamamahala sa ekonomiya ng bansa.

Magiging epektibo ang batas 15 araw matapos itong ilathala sa Official Gazette o sa pahayagan.