IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagsama ng tsunami scenario sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, iminungkahi ng OCD

Jerson Robles
88
Views

[post_view_count]

Map showing distribution of earthquakes on 17-20 December 2024 offshore of Ilocos Sur, Philippines. (Photo from PHIVOLCS)

Matapos ang sunud-sunod na lindol sa baybayin ng Ilocos Sur, iminungkahi ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagsama ng tsunami scenario sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. 

Ang hakbang na ito ay naglalayong mapabuti ang kahandaan ng publiko para sa mga posibleng banta ng tsunami.

Ayon kay Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang integrasyon ng tsunami drill ay makakatulong sa mga komunidad na maging handa sa mga potensyal na panganib na dala nito. 

“The integration of tsunami drills into the National Simultaneous Earthquake Drill is recommended to enhance community preparedness for potential tsunami threats,” saad ni Usec. Nepomuceno.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 186 na lindol ang naitala sa baybayin ng Ilocos Sur, mula magnitude 1.8 hanggang 5.0.

Binigyang-diin ni Nepomuceno na posibleng magkaroon ng tsunami, lalo na mula sa mga offshore earthquakes na may magnitude 6.5 o higit pa, sa Manila Trench. 

Patuloy ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa pagbuo ng tsunami modeling upang ipaalam sa mga komunidad ang posibleng pagbaha at pagtaas ng alon.

Sa darating na Enero 2025, magkakaroon ng briefing ang PHIVOLCS tungkol sa anim na mahahalagang trench sa paligid ng Pilipinas. 

Inatasan din ni Nepomuceno ang lahat ng regional offices ng OCD na ipaalam sa mga lokal na pamahalaan kung paano gamitin ang mga available maps mula sa HazardHunterPH at suriin ang mga kaugnay na contingency plans.

Ang direktibang ito ay ibinigay kasabay ng inaasahang malakas hanggang matinding pag-ulan sa mga rehiyon ng Eastern Visayas, Bicol, CALABARZON, at MIMAROPA. 

Inaasahan din ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na rehiyon.

“Communities are urged to stay informed and comply with safety directives to mitigate risks associated with these ongoing calamities and weather disturbances,” dagdag ni Nepomuceno.

Ito ay isang mahalagang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan upang mapaigting ang kahandaan at kaalaman ng publiko hinggil sa mga sakuna, lalo na’t isa ang Pilipinas sa mga bansa na madalas tamaan ng lindol at tsunami. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

109
Views

National

Ivy Padilla

123
Views