IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagsasabatas sa ‘Eddie Garcia Law’, ikinatuwa ni Sen. Padilla

Divine Paguntalan
226
Views

[post_view_count]

Senator Robin Padilla during a regular plenary session in the Senate. (Robin Padilla/Facebook)

Mabuting balita para kay Senator Robin Padilla ang tuluyang pagsasabatas sa Republic Act 11996 o ang ‘Eddie Garcia Law’ na layong protektahan ang kapakanan ng movie and television industry workers.

Matatandaang noong 2022, inihain ni Senator Padilla ang panukalang magsisilbing pag-alaala sa beteranong aktor na si Eddie Garcia na nasawi sa isang aksidente habang nasa taping set noong 2019.

Sa isang Facebook post ay pinasalamatan ng senador ang sponsor ng batas naturang batas na si Sen. Jinggoy Estrada at ang mga kapwa Senador na sumuporta sa pagsusulong nito. -AL

Related Articles