Pinatunayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang prayoridad ng pamahalaan ang mental health at well-being sa mga paaralan matapos pormal na lagdaan bilang batas ang “Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.”
Sa ilalim nito, gagawin nang institusyonal ang mga programang nagsusulong ng ‘mental health and well-being’ para sa basic education learners at teaching and non-teaching personnel sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.
Binigyang-diin ng Pangulo na mas gaganda ang academic performance ng mga mag-aaral kung sila ay ‘mentally and emotionally healthy.’
“When our learners and school personnel are mentally healthy, academic performance improves, absenteeism decreases, and a culture of compassion and understanding flourishes,” bahagi ng mensahe ng Pangulo sa ceremonial signing ng batas sa Malacanang.
“Beyond being a safeguard to our youth and school personnel, this law is also an investment in the intellectual, emotional, and social future and development of our nation,” dagdag niya.
Nais ni Pangulong Marcos Jr. na magsilbing “sanctuaries of learning and of well-being” ang mga paaralan sa ilalim ng bagong batas upang hindi lang maging matagumpay sa akademiko ang mga kabataan, pati na sa kabuuang pamumuhay.
Ang bagong batas ay nagmamandato na magtatag ng mga Care Center sa bawat pampublikong paaralan sa basic education kung saan may mga professional na magbibigay ng sapat na counseling at stress management workshops para sa mga mag-aaral at guro.
Kasabay nito ay magpapatupad ng mga programa na layong alisin ang stigma at iba pang panghuhusga para sa mga indibidwal na nakararanas ng problema sa mental health.
Ang pagsasabatas ng “Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act” ay isa sa mga hakbang ng Marcos Jr. administration upang mabawasan ang academic losses sa bansa o posibleng magkahalaga ng P16-trillion batay sa isang pag-aaral. – VC