IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagtanggal sa brand label, name ng bigas, plano ng DA

Ivy Padilla
338
Views

[post_view_count]

Premium rice stocks (Photo by PIA)

Planong tanggalin ng Department of Agriculture (DA) ang brand label ng mga imported na bigas upang matigil ang pagmamanipula ng ilang retailers at traders sa presyo nito sa mga pamilihan.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, lumabas sa kanilang pagsusuri na ginagamit ng ilang industry players ang mga branded na label ng bigas upang makapagbenta sa mas mahal na halaga.

“After conducting a series of market visits, we now have reason to believe that some retailers and traders are intentionally confusing Filipino consumers with branded imports to justify the high prices of rice,” saad ni Laurel.

Kasabay nito, ipinag-utos na ng kalihim ang pagtatangal sa label gaya ng “premium” at “special” sa mga imported na bigas dahil nagagamit lamang ito upang ma-justify ang mataas na presyo ng nasabing produkto.

Nilinaw naman ni Laurel na hindi kasama rito ang mga lokal na bigas upang maprotektahan ang mga Pilipinong magsasaka gayundin ang mga local traders.

“Importing rice is not a right but a privilege. If traders are unwilling to follow our regulations, we will withhold permits for rice importation,” pagbibigay-diin ni Laurel.

Bukod dito, pinag-aaralan na ng ahensya ang pagpapatupad ng mga hakbang upang matugunan ang ‘rice price volatility’ kabilang ang panawagan para sa food security emergency sa ilalim ng inamyendahang Rice Tariffication Law.

Titingnan din ang opsyon na payagan ang government corporations tulad ng Food Terminal Inc., na mag-import ng bigas.

Matatandaang natuklasan ng DA ang mataas na bentahan ng bigas sa mga pamilihan sa kabila ng kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bawasan ang rice tariff mula 35% patungong 15% simula nitong Hulyo. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

45
Views

National

37
Views

National

98
Views