IBCTV13
www.ibctv13.com

Pagtanggi ni VPSD sa subpoena ng NBI, tinawag na ‘arrogance’ ng isang house leader

Ivy Padilla
213
Views

[post_view_count]

Vice President Sara Duterte attended the inquiry on the alleged misuse of funds of the Office of the Vice President (OVP) and Department of Education during the tenure of Vice President Sara Duterte on November 26. (Photo by HOR)

Pinuna ni House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V ang pagtanggi ni Vice President Sara Duterte na humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Biyernes, Nobyembre 29, kasunod ng inihaing subpoena sa kanya.

“By refusing to comply with the subpoena, she is sending a message: ‘The law doesn’t apply to me.’ That is not leadership. That is arrogance,” matapang na saad ni Rep. Ortega.

Binigyang-diin ng House leader na insulto ito sa bawat ordinaryong Pilipino na sumusunod nang tama sa batas.

“If an ordinary citizen ignored a subpoena, he would face consequences immediately,” saad ni Ortega.

“The Vice President’s decision to ignore the NBI is not just disrespectful; it is a direct challenge to our justice system. If the second-highest official can get away with this, what’s stopping others from doing the same? This sets a terrible example for our country,” dagdag niya.

Matatandaang inimbitahan ng NBI ang Bise Presidente ngayong Biyernes upang ipaliwanag ang binitawan na banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pati na kina First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez kamakailan.

Nauna nang sinabi ni Duterte na baka hindi siya makaharap dahil nakatakda itong dumalo sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability hinggil sa umano’y maling paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ngayong araw.

Agad naman nagdesisyon si Committee chairperson Manila Rep. Joel Chua kahapon na kanselahin ang nakatakdang pagdinig upang bigyang-daan ang seryosong imbestigasyon ng NBI.

Ito ay upang matiyak na walang dahilan ang Pangalawang Pangulo para hindi humarap sa NBI.

Sa kabila nito, bigo pa rin si Vice President Duterte na humarap sa NBI at humiling pa na i-reschedule ang kanyang pagsagot sa subpoena.

Sa liham na ipinadala ng legal counsel ni Duterte, sinabi nitong ‘late’ umano nalaman ng kanilang kampo na kanselado ang pagdinig ng Kamara.

Nakatakdang muling ipatawag ng NBI ang Bise Presidente sa darating na Disyembre 11. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

116
Views

National

Ivy Padilla

111
Views

National

Ivy Padilla

331
Views