IBCTV13
www.ibctv13.com

Pamahalaan, magpapatupad ng mga agarang reporma upang pasiglahin ang ekonomiya ng bansa

222
Views

[post_view_count]

The Philippine government vowed to implement urgent economic reforms and measures after the Philippine Statistics Authority (PSA) reported that the country’s Gross Domestic Product (GDP) growth slowed significantly to 2.1% in the third quarter of 2026. (IBC File photo)

Nangako ang pamahalaan na gagawa ng mga agarang hakbang upang muling mapabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa matapos itong bumagal sa ikatlong quarter ng taon.

Ayon kay Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan, kailangang ayusin ang mga problemang nakaaapekto sa pamumuhunan at pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumagal sa 2.1% ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ikatlong quarter, mula sa 2.4% noong ikalawang quarter.

Mas mababa rin ito kumpara sa 4% na paglago sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Balisacan, isa sa mga dahilan ng paghina ng ekonomiya ang mataas na presyo ng pagkain at kuryente na nagpapabigat sa gastusin ng mga pamilya.

Nakapagtala rin ng 4.8% na pagbaba ang sektor ng agrikultura dahil sa mga bagyo at habagat na sumira sa mga pananim at nagpababa sa produksyon.

Patuloy ding bumababa ang mga proyekto sa public construction, habang bahagyang tumaas naman ang private construction.

Ayon kay Balisacan, naapektuhan ang mga proyekto dahil sa masamang panahon at pagkaantala ng pag-apruba at pagbabayad sa mga kontratista.

Dahil dito, nahirapan ang ilang kontratista na magpasahod sa mga manggagawa, bumili ng materyales at ipagpatuloy ang kanilang mga proyekto.

Sa kabila nito, naniniwala si Balisacan na posible pa ring maabot ang target na 5% hanggang 6% na paglago ng ekonomiya sa susunod na taon.

Upang mangyari ito, kailangang dumami ang mga mamumuhunan, bumaba ang presyo ng mga bilihin at maibalik ang tiwala ng mga negosyante.

Kabilang sa mga plano ng pamahalaan ang pagpapadali ng proseso sa pagnenegosyo, pagbabawas ng mga kailangang dokumento at pagpapabilis ng pag-apruba sa mga proyekto.

Inatasan din ng Pangulo ang mga ahensya na pabilisin ang mga proyektong maaari nang simulan at ayusin ang mga problemang nagdudulot ng pagkaantala.

Makikipagtulungan din ang pamahalaan sa Kongreso upang maipasa sa tamang oras ang pambansang pondo.

Sisiguraduhin namana na may sapat na pondo para sa mga proyektong pang-imprastraktura at mahahalagang serbisyong panlipunan.

Para naman matulungan ang mga magsasaka at mangingisda, palalakasin ang mga programang nagbibigay ng binhing kayang mabuhay kahit tagtuyot, solar-powered irrigation, crop insurance at tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Sa parte. v Department of Energy (DOE), pabibilisin ang mga proyekto sa enerhiya upang matiyak na sapat ang suplay ng kuryente at maiwasan ang kakulangan nito.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa European Union, Canada, Japan, Chile at United Arab Emirates upang makahikayat ng mas maraming kalakalan at pamumuhunan.

Bahagi pa ng plano ng pamahalaan ang palakasin ang turismo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng direct flights, pagpapaganda ng mga paliparan at pagpapakilala sa banda upang mas maraming turista ang bumisita sa Pilipinas. – VC