IBCTV13
www.ibctv13.com

Pamumuhay ng 49% ng mga Pinoy, mas gumanda ngayon kaysa pre-pandemic – survey

Ivy Padilla
140
Views

[post_view_count]

Photo by Divine Paguntalan, IBC News

Halos kalahati o 49 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang mas gumanda ang kalidad ng kanilang pamumuhay ngayon kung ikukumpara bago tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng market research company na Ipsos na may pamagat na “Cost of Living Monitor” saklaw ang 32 mga bansa kabilang ang Pilipinas.

Batay sa resulta, 17% ng mga Pilipino ang nagsabing “much better off” ang kanilang pamumuhay ngayon habang 32% naman ang naniniwalang ito’y “a little better off”.

Samantala, 25% ng mga Pinoy ang sumagot na “neither better nor worse off”; 17% ang “a little worse off”; at 7% ang “much worse off”.

Isinagawa ang nasabing pag-aaral via online interview mula Oktubre 25-Nobyembre 8, 2024 kung saan 500 sa kabuuang 22,720 respondente ang Pilipino. – VC

Related Articles