IBCTV13
www.ibctv13.com

Pananalasa ng Typhoon Nika, zero casualty – DILG Sec

Divine Paguntalan
242
Views

[post_view_count]

Coast Guard Station (CGS) led the evacuation of families in Cagayan. (Photo by Philippine Coast Guard)

Ibinalita ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa isang panayam ngayong Miyerkules, Nobyembre 13, na walang naitalang nasawi sa mga lugar na nasalanta ng Typhoon Nika.

Ayon kay Remulla, dahil ito sa pre-emptive evacuation na isinagawa ng local government units (LGUs) mula Regions I, II, III, IV, at V kung saan umabot sa 41,163 pamilya ang maagang nailikas patungo sa 562 evacuation centers.

“Maaga po tayong gumalaw at zero casualty po tayo dito sa typhoon Nika,” saad ni Remulla.

Tiniyak din niya na parehong proseso ng paghahanda ang ginagawa ngayon ng lahat ng concerned government agencies katuwang ang lokal na pamahalaan para sa inaasahang pagtama ng Typhoon Ofel gayundin sa pagpasok ng bagyong Pepito sa bansa.

“Itong parating na Ofel ay ganoon na naman ang ginagawa natin. Parating po siya Thursday ng gabi o Friday ng umaga, may procedures na — pareho lang naman ang gagawin pati sa pagdating din ni [bagyong] Pepito,” pagtitiyak ni Remulla.

Tuluy-tuloy naman sa pagbibigay ng food packs, health services at iba pang pangangailangan ng mga apektadong pamilya ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Office of the Civil Defense (OCD).

Sa katunayan, pumalo na sa P4,236,558.56 halaga ng tulong ang naipagkaloob sa mga komunidad na nasalanta, batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). – VC

Related Articles