IBCTV13
www.ibctv13.com

Pangulong Marcos Jr., pinuri sa paglagda ng ‘twin laws’ ng PH maritime

Ivy Padilla
167
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. signed into law the Philippine Maritime Zone (PMZ) Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes (PASL) today, November 8. (Photo by PCO)

Nakatanggap ng papuri si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos lagdaan ang Philippine Maritime Zone (PMZ) Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes (PASL) na 18 taong pinagdebatehan at itinulak.

Kinilala ni Senator Francis Tolentino, isa sa principal author ng kambal na batas, ang determinasyon ng punong ehekutibo na mapirmahan ang dalawang mahalagang batas sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Eighteen years, 18 years ago and we have to admit and acknowledge, and admire the determination of President BBM in having these laws passed and signed,” saad ni Sen. Tolentino.

Binanggit din ng senador ang pagsisikap ng Pangulo na matalakay ang dalawang batas sa mga dinaluhan na international forum.

Nagpasalamat din sa Pangulo si Pangasinan 3rd District Rep. Maria Rachel Arenas, sponsor ng mga naturang batas.

“I have to salute the President again because sa lahat ng paglalakbay niya sa ibang bansa pinaglalaban niya ‘yung sariling atin,” saad ni Arenas.

Kasabay nito, tiniyak ni National Maritime Council (NMC) spokesperson Alexander Lopez ang ‘coherent and unified approach’ ng ahensya para sa implementasyon ng mga bagong batas. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

53
Views