IBCTV13
www.ibctv13.com

Pangulong Marcos Jr. sa publiko sa gitna ng kalamidad: ‘We remain in full control’

Ivy Padilla
166
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. visited Naga City to distribute relief goods to typhoon-affected families last October 26. (Photo by PCO)
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng klase ng pagtulong para sa mga komunidad na apektado ng nagdaang Severe Tropical Storm (STS) Kristine at kasalukuyang Typhoon Leon.

Sa kanyang pahayag ngayong araw, Oktubre 31, sinabi ng Pangulo na may sapat na asset na magagamit para bawasan ang epekto ng sakuna, makarekober mula sa pananalasa at muling makabangon.

“Our resources and personnel may be stretched due to the impact of typhoons on multiple fronts,” saad ng punong ehekutibo.

Tuluy-tuloy din aniya ang relief at recovery efforts ng mga ahensya ng gobyerno sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Kristine habang pinaiigting ang paghahanda para naman sa bagyong Leon.

“All agencies and instrumentalities of government remain on full alert, and remain ready to deploy aid wherever it may be needed,” dagdag ng Pangulo. -VC

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

65
Views

National

Divine Paguntalan

81
Views