IBCTV13
www.ibctv13.com

Panibagong consolidation period sa hindi pa rehistradong PUJ operators, pinag-aaralan – LTFRB

Divine Paguntalan
261
Views

[post_view_count]

(File photo by JM Pineda, IBC 13)

Kinukunsidera muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bigyan ng pagkakataon ang mga unconsolidated Public Utility Jeepney (PUJ) operator na sumali sa jeepney modernization program.

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Transportation (DOTr), aabot na sa 83% ang nakapag-consolidate sa mga kooperatiba at 17% na lamang ang natitirang unconsolidated at unregistered PUJ operators.

“To clarify, when we talk about percentage, hundred percent supposedly consolidation and then umabot na po tayo ng 83 percent. So, we have 17 percent [unconsolidated.. But iyong numero po na hindi talaga or ayaw mag-consolidate and we are talking of the groups, that’s more or less mga five percent po iyon,” paliwanag ni DOTr Undeersecretary Jesus Ferdinand Ortega.

Paglilinaw naman ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, hindi na nila papayagan ang mga operator na ito na gumawa ng sariling grupo. Sa halip, ang pagsali lamang sa existing cooperatives at corporations ang pwede nilang gawin.

“Napag-usapan po namin na iyong mga hindi pa ho sumasama sa programa ng gobyerno ay bibigyan ho namin ng pagkakataon…Pero hindi ho sila puwedeng bumuo ng korporasyon o cooperative. They will just be there to join in fairness naman po doon sa mga nandoon na sa mga rutang iyon at sila na po ang bumabaybay,” saad ni Guadiz.

Samantala, ibinahagi naman ng ahensya na walang mga commuter ang higit na naapektuhan o na-stranded sa kabila ng nationwide transport strike na ikinasa ng mga grupong MANIBELA at PISTON mula nitong Lunes, Setyembre 23.

“Unang-una po, kakaunti lang po iyong mga sumama doon sa transport strike. Pangalawa, mayroon po kaming nakahandang Libreng Sakay. And then pangatlo po, nandoon po ang PNP to maintain peace and order… para sa mga operators na namimilit po na sumama iyong mga kasamahan nila sa strike. So as of this time ho, wala hong na-stranded ni isang pasahero,” dagdag pa ni Guadiz.

Matatandaan na ang Public Transport Modernization Program (PTMP) ay isa sa mga flagship program ng pamahalaan na layong mas gawing maayos at epektibo ang transportation system sa buong bansa. — AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

71
Views

National

Ivy Padilla

59
Views