Nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipaparating niya sa harap ng mga lider ng Singapore ang posisyon at paninindigan ng Pilipinas sa usaping depensa at diplomasiya bilang tagapagsulong ng “rules-based order and constructive multilateralism” sa gitna ng tensyon sa Indo-Pacific region.
Naimbitahan si Pangulong Marcos Jr. na magbahagi ng talumpati sa International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore mula Mayo 30-31.
Kabilang sa makikiisa sa IISS Shangri-La Dialogue ang iba’t ibang lider at defense of ministers mula sa 40 bansa. –VC