IBCTV13
www.ibctv13.com

Panukalang ipagpaliban ang BARMM elections, sertipikado bilang urgent ni PBBM – Palasyo

Divine Paguntalan
144
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. (Photo from PCO)

Kinumpirma ng Malacañang ang pag-sertipika bilang urgent ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukalang magpapaliban ng parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Bagaman aprubado na ay hindi pa malinaw kung aling bersyon ng panukala ang sinertipikahan ng Pangulo.

Sa bersyon ng Senado na nakapasa na sa ikalawang pagbasa, iminumungkahi rito na ilipat ang halalan mula Mayo 11, 2025 patungong Oktubre 2025.

Samantala, ang bersyon naman ng Kamara na inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ay naglalayong itakda ang naturang halalan sa Mayo 2026.

Layon naman ng mga panukala na bigyang-daan ang mas matatag na pamamamahala sa rehiyon habang isinasaayos pa ang mga proseso upang epektibong mapatupad ang mga batas at programa sa lugar.

Matatandaang nakatakda sanang isagawa ang unang parliamentary election ng BARMM kasabay ng National and Local Elections (NLE) sa darating na Mayo 2025. – VC

Related Articles