IBCTV13
www.ibctv13.com

Panukalang magpaparusa sa ticket scalpers, inihain sa Senado

Divine Paguntalan
137
Views

[post_view_count]

(Photo by Divine Paguntalan, IBC News)

Inihain ni Senador Mark Villar ang Senate Bill (SB) 2873 o ang “Anti-Ticket Scalping Act” na layong wakasan ang pagbebenta ng mga concert ticket sa napakataas na presyo.

Kasunod ito nang dumaraming kaso ng mga nabibiktima ng ticket scalping kamakailan mula sa mga inilalabas na local at international concerts sa bansa.

Sa ilalim ng batas, mapoprotektahan ang mga konsyumer mula sa mga mapagsamantalang indibidwal na nagbebenta ng ticket ng anumang concert pati na iba pang entertainment events sa labis na presyo.

“The increase of demand in events or performance and the surge of concert goers have also brought about a number of challenges, including the proliferation of ticket scalping or the practice of reselling admission tickets at an inflated or predatory price – undermining the consumers’ right to fair access to entertainment scenes and encouraging price gouging,” paliwanag ni Villar.

Sakaling maisabatas, narito ang parusa na maaaring harapin ng sinumang lalabag:

  • 1st offense – Multa na P100,000 at/o anim na buwang pagkakakulong
  • 2nd offense – Multa na P250,000 at/o isang taong pagkakakulong
  • 3rd & subsequent offenses – Multa na P500,000 at/o tatlong taong pagkakakulong

Ang Anti-Ticket Scalping Act ay isang hakbang tungo sa mas maayos at patas na sistema sa entertainment industry kung saan hindi na kakailanganin ang pormal na reklamo mula sa mga biktima dahil maaari na silang direktang kasuhan ng Department of Justice (DOJ), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI). – VC

Related Articles