IBCTV13
www.ibctv13.com

Paraguay President Santiago Palacios, bibisita sa Pilipinas para sa isang Official Visit sa Mayo 11

Kristel Isidro
78
Views

[post_view_count]

Paraguay President Santiago Peña Palacios (Photo courtesy of President Santiago Peña/Facebook)

Nakatakdang magsagawa ng Official Visit sa Pilipinas si Paraguay President Santiago Peña Palacios sa darating na Mayo 11, kasunod na rin ng paanyaya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ayon sa Malacañang.

Ito ang kauna-unahang presidential visit sa pagitan ng Pilipinas-Paraguay, mula nang opisyal na maitatag ang pormal na diplomatikong ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa noon pang Disyembre 12, 1962.

Ayon sa Palasyo, bibigyan si Peña ng official honors sa Malacañang na susundan ng bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos Jr.

Tatalakayin sa magiging pagpupulong ang pagpapalakas sa mutual development at kooperasyon sa iba’t ibang sektor, kabilang na sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan at agrikultura.

Kapwa binibigyang-diin ng Pilipinas at Paraguay ang pagpapahalaga sa demokrasya, rule of law, at pandaigdigang kooperasyon, kaya’ itinuturing ng Pilipinas ang Paraguay bilang isang umuusbong na katuwang sa Latin America.

Ayon sa Malacañang, ang pagbisitang ito ay mahalagang hakbang sa pagpapalawak ng international cooperation ng bansa, bilang bahagi ng layunin ng pamahalaan na paigtingin ang mga ugnayang pang-ekonomiya sa nasabing rehiyon. – MP