IBCTV13
www.ibctv13.com

Paratang ni FPRRD sa 2025 national budget, kasinungalingan lamang – PBBM

Divine Paguntalan
260
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. during an ambush interview on January 20, 2025. (Photo from MPC)

Mariing pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga paratang ni former President Rodrigo Roa Duterte tungkol sa umano’y blangkong bahagi ng 2025 national budget.

Ito ay matapos ang kamakailang akusasyon nina FPRRD at Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab sa bicameral conference committee report na mayroon umanong ‘discrepancies’ sa national budget.

Ayon kay Ungab, nawawala umano ang pondo para sa ilang item sa Department of Agriculture (DA) at unprogrammed appropriations habang tinawag naman ni Duterte ang GAA bilang ‘invalid legislation’ at hindi dapat ipatupad.

Dahil dito, binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na sa buong kasaysayan ng bansa, hindi pinapayagan ang mga item sa pondo na walang malinaw na proyekto o alokasyon para rito.

“He’s lying. He’s a president. He knows that you cannot pass a GAA with a blank… He’s lying,” saad ng Pangulo.

“Mayroon namang kopya that’s available on the website of DBM. Tingnan niyo kung mayroong kahit isa para mapatunayan na tama ang sinasabi ko [na] kasinungalingan ‘yan,” paghihimok ni Pangulong Marcos Jr. sa publiko.

Kasabay nito ay nagpaalala rin ang Pangulo sa mga Pilipino na huwag basta magpadala sa maling impormasyon na layon lamang magdulot ng pagdududa sa integridad ng pamahalaan. – AL

Related Articles