IBCTV13
www.ibctv13.com

Partial operation ng MRT-7, sisimulan na sa Q4 2025

Ivy Padilla
303
Views

[post_view_count]

Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) trains are set for partial operability by the last quarter of 2025. (Photo by Department of Transportation)

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na nakatakda nang simulan ang partial operation ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) sa huling kwarter ng taong 2025.

Ayon kay DOTr Undersecretary Jeremy Regino, kabilang sa mga bubuksang istasyon para sa mga mananakay ay ang North Avenue Station hanggang Quirino Station.

Samantala, ang San Jose Station naman sa Bulacan ay posibleng maging operational sa 2027.

“Yung San Jose Station ang best case scenario po natin is 2027. We’ll extend to 2028 on a worst-case scenario,” saad ni Regino sa budget deliberation ng DOTr sa Kamara.

Sa oras na maging fully operational na ang MRT-7, inaasahang magkapagsasakay ito ng hanggang 300,000 mga pasahero sa unang taon.

Paiikliin din nito sa 35 minuto ang haba ng biyahe mula Quezon City hanggang San Jose Del Monte, Bulacan mula sa dating dalawa hanggang tatlong oras.

Kabilang sa mga istasyon ng naturang 22 kilometrong tren ay ang Quezon North Avenue Joint Station, Quezon Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Doña Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala, at San Jose del Monte Station. -AL

Related Articles