IBCTV13
www.ibctv13.com

Pasig trial court, tinanggihan ang bail petition ni dismissed mayor Guo

Divine Paguntalan
120
Views

[post_view_count]


PNP-PIO released Alice Guo’s mugshot. (Photo from DILG)

Tinanggihan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) ang petisyon ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo para makapagpiyansa sa kasong human trafficking.

Itinuring ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng korte bilang isang ‘milestone’ dahil malaking bagay ito para sa hakbangin ng bansa upang labanan ang human trafficking.

“This marks significant progress in our commitment to deliver real justice, highlighting the importance of collaboration between prosecutors and law enforcement in building stronger cases,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Bukod kay Guo, hindi rin tinanggap ng Pasig court ang petisyon ng iba pa niyang kasama kung saan mahaharap sila sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa isinagawang raid sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban noong Hunyo.

Matatandaan na may 800 Filipino at foreign workers ang na-rescue sa nasabing POGO hub. – VC