IBCTV13
www.ibctv13.com

Pasok sa opisina, paaralan sa Maynila at Pasay, suspendido sa Enero 13 – Malacañang

Ivy Padilla
352
Views

[post_view_count]

Sinuspinde na ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at paaralan sa lahat ng antas sa Maynila at Pasay City sa darating na Lunes, Enero 13, alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular No. 76.

Ito ay upang bigyang-daan ang “National Rally for Peace” na inorganisa ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand kung saan inaasahan ang pagdagsa ng maraming kapatiran.

Nilinaw ng Malacañang na hindi kasama sa suspensyon ang mga ahensya na nasa linya ng health services, response to disasters and calamities at iba pang may mahalagang operasyon.

“The suspension of work in private companies and offices is left to the discretion of their respective heads,” saad sa memorandum.

Kasabay nito ay inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kalsadang pansamantalang isasara para sa mahalagang pagtitipon kabilang ang mga sumusunod:

– Roxas Blvd. to P. Burgos Ave.
– TM Kalaw Both Sides form Roxas Blvd. to Taft Ave.
– P. Burgos Avenue Both Sides and Finance Road
– Ma. Orosa Street
– Bonifacio Drive from Anda Circle to P. Burgos Ave.

Una nang nilinaw ng INC na layunin ng rally na isulong ang pagkakaisa at katatagan at hindi makipaglaban o makigulo sa pulitika. – VC