IBCTV13
www.ibctv13.com

Pastor Apollo Quiboloy, sumuko na sa awtoridad

Alyssa Luciano
707
Views

[post_view_count]

KOJC Pastor Apollo Quiboloy surrendered himself to the authority on Sunday, September 8.

Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na hawak na ngayon ng awtoridad ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy matapos sumuko nitong Linggo, Setyembre 8.

Sa isang press briefing ay idinetalye ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Jean Fajardo ang naging negosasyon ng kapulisan kay Quiboloy kung saan binigyan ito ng ‘ultimatum’ para sumuko o kung hindi susunod ay papasukin ng awtoridad ang isang building sa compound ng KOJC sa Davao City.

“Kanina pong mga bandang ala-una y medya ng hapon ay nagkaroon ng negosasyon para po sa mapayapa po nilang pagsuko dahil binigyan po natin sila ng ultimatum na within 24 hours ay kailangan na po nilang sumuko at nagkaroon po ng negotiation, so ito po ay joint efforts ng PNP and AFP,” pahayag ni Fajardo.

Bandang 5:30 p.m. nitong Linggo ay isinuko ni Quiboloy ang kanyang sarili sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) kung saan kasama rin sa mga nahuli sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Crisente Canada, at Syliva Cemañes.

Mula Davao ay lumipad patungong Villamor Airbase si Quiboloy at mga kasamahan nito. Dinala sila sa Camp Crame sa Quezon City kung saan sila pansamantalang ide-detain.

Nahaharap si Quiboloy sa tatlong kaso na may kaugnayan sa child abuse, sexual abuse, at qualified trafficking.

Matatandaang unang naghain ng warrant of arrest ang pulisya sa lider ng KOJC noong Hunyo ngunit bigo silang matunton ang Pastor.

Agosto 24 naman nang sundan ito ng deployment ng 2,000 mga pulis sa KOJC compound na humalughog sa lugar para mahanap ang Pastor.

Related Articles