IBCTV13
www.ibctv13.com

Pax Silica, ‘good deal’ para sa karagdagang pamumuhunan – PBBM

112
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr., aerial shot of the proposed 9,450-hectare New Clark City development in Capas, Tarlac. (File photo of PCO, BCDA)

Inilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang isang “good deal” ang Pax Silica initiative, kasabay ng kanyang pahayag na bukas ang Pilipinas sa mga kasunduang makapagbibigay ng dagdag na pamumuhunan, trabaho, at paglago ng ekonomiya ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa presidential luncheon na inihanda ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), sinabi ng Pangulo na hindi kailangang mamili ng Pilipinas sa mga bansang maaaring maging katuwang sa pamumuhunan.

“Whenever someone is interested to come into the Philippines to invest, so long as it is to the mutual benefit of all parties involved, that for us is a good deal. And it is a good deal that we will enter into, no matter where it comes from,” ayon sa Pangulo.

Kabilang sa mga bansang sinabi ng Pangulo na bukas ang Pilipinas na maging partner ang United States, mga bansa sa Europe, China, Japan, South Korea, Canada, at Australia.

Binigyang-diin ng Pangulo na kailangang direktang makinabang ang mga Pilipino sa mga pamumuhunan partikular sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho, skills development, technology transfer, at training.

“And so long as we are able to move the economy forward and to better the lives of our people, then that is something that we will certainly examine…. and if it turns out that is a beneficial agreement, then certainly we will become part of it,” ani Pangulo.

Samantala, tiniyak ng Pangulo na hindi pahihintulutan ng pamahalaan ang ibang bansa na samantalahin ang yamang mineral ng Pilipinas nang walang pormal na kasunduan.

Isa sa mga binigyang halimbawa ng Pangulo ang nickel, na aniya ay maaaring iproseso mismo sa bansa upang mas malaking bahagi ng halagang nalilikha rito ay mananatili sa Pilipinas.

“This provides us an opportunity to start the processing in the Philippines.. now, to be able to do that, you have to develop a processing center. And if you cannot do it yourself, you do it in partnership with either a purely commercial venture or a government-to-government arrangement,” ani Pangulo.

Ang Pax Silica ay isang proposed high-tech manufacturing at innovation hub sa ilalim ng Luzon Economic Corridor, na naglalayong palakasin ang papel ng Pilipinas sa global supply chains para sa semiconductors, artificial intelligence (AI) at critical minerals.

Inaasahang makalilikha ito ng hanggang 190,000 high-quality jobs para sa mga Pilipino.

Sa oras na ganap na maisakatuparan, tinatayang makaaakit ang proyekto ng mahigit $40-$70 bilyong pamumuhunan at makapagbubukas ng mga oportunidad para sa mga Filipino engineers, researchers, computer science graduates, at iba pang highly skilled professionals. VC