IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM: 13 dagdag na pumping stations, itatayo at pahuhusayin sa loob at labas ng NCR

66
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led an inspection of the Tripa de Gallina Pumping Station in Pasay City, today, August 20, to ensure that its capacity is sufficient to pump a larger volume of rainwater. (Photo courtesy of PCO)

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatayo at pagpapahusay ng karagdagang 13 pumping stations sa loob at labas ng Metro Manila sa pagtatapos ng taon hanggang sa pagsisimula ng 2027, bilang paghahanda sa pagbabago ng klima at mas maraming inaasahang pag-ulan sa hinaharap.

Sinabi ito ng Pangulo matapos niyang inspeksyunin ang operasyon ng Tripa de Gallina Pumping Station sa Pasay City ngayong Huwebes, Agosto 20.

Binigyang-diin ng lider na kinakailangan ang karagdagang pumping capacity dahil patuloy na nakararanas ang bansa ng malalakas na pag-ulan.

Sa 13 pumping station, apat ang bagong itatayo habang siyam naman ang isasailalim sa upgrading, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na hindi sapat ang pagdaragdag ng pumping station upang tuluyang maresolba ang problema sa pagbaha, lalo na’t patuloy na nakakaapekto ang maling pagtatapon ng basura sa mga drainage system at pumping station.

“It is all of the other inorganic waste that is being thrown into our system. ’Yan ang, nandiyan tayo nagkakaproblema,” saad nito.

Bilang tugon, patuloy na naghahanap ng paraan ang pamahalaan para makahanap ng mas maayos at makakalikasang paraan upang mapamahalaan ang mga basurang nakokolekta, tulad ng pagtulak ng organic composting, paggawa ng mga paso, at maging ang “waste-to-energy” program. – IP