Sa report mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. as of May 28, nasa 12,043 pamilyang Pilipino na ang naiulat na apektado ng bagyong Aghon o katumbas ng 26,726 na indibidwal mula sa Region IV, V, VI, VII at VIII.
Sa datos ng pamahalaan, tatlong airport at 29 na daungan ang naging non-operational dahil sa pagdaan ng bagyo, kasama na ang anim na lungsod at bayan na nakaranas ng power outage at 13 na insidente ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ibinalita naman ng Pangulo na patuloy ang pagresponde ng gobyerno kung saan nakapamahagi na ang DSWD ng kabuuang P1.35 milyong pisong halaga ng tulong at standby-fund na P607.9 milyon.
Handa ring mag-deploy ng 465 transportation assets para sa 841 search and rescue retrieval teams na binubuo ng AFP, Coast Guard, at BFP personnel para sa isasagawang paglikas ng mga residente. -VC