IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM: 4,000 bagong silid-aralan itatayo para tugunan ang classroom shortage sa bansa

191
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. leads the Constructing Our Future: Memorandum of Agreement (MOA) signing between the Department of Education (DepEd) and provinces for a nationwide classroom building at the Malacañang Palace today, February 11. (Photo courtesy of PCO)

Magpapatayo ang pamahalaan ng humigit-kumulang 4,000 bagong silid-aralan upang tugunan ang kakulangan ng classroom sa buong bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasunod ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DepEd at local government units (LGU) nitong Miyerkoles.

“Today, we formalized the partnership between the DepEd and the different provinces around the country and it is an effort to make sure that every Filipino student has a safe and decent classroom to learn in,” sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.

(“Pormal nating itinatag ang pagtutulungan ng Department of Education at ng iba’t ibang lalawigan upang matiyak na bawat batang Pilipino ay may ligtas at disenteng silid-aralan na mapag-aaralan.”)

Ayon sa Pangulo, ito ay unang yugto lamang ng mas malawak na classroom-building program ng administrasyon.

“I have seen many of the struggles that our students, our teachers, and our parents face when having to send their children to school. They are studying and dreaming of a better future in poorly built facilities, cramped spaces, and sometimes no facilities at all,” sinabi ng Pangulo.

(“Nakita ko ang maraming pagsubok na hinaharap ng ating mga estudyante, guro at magulang kapag kailangang ipadala ang kanilang mga anak sa eskwelahan. Nag-aaral at nangangarap sila ng mas magandang kinabukasan sa mga pasilidad na hindi maayos ang pagkakagawa, sa masisikip na espasyo, at minsan walang pasilidad.”)

Sinabi ni Pangulong Marcos na umaabot sa 145,000 silid-aralan ang kakulangan sa bansa hanggang Disyembre 2025.

“This is the gap that we must address urgently,” wika ng Pangulo, na binigyang-diin na naghahanap ang Administrasyon ng lahat ng alternatibong paraan upang matugunan agad ang agwat na ito.

“Because we cannot wait another five or ten years to ensure that every student has a comfortable classroom,” dagdag ng Pangulo.

(“Dahil hindi tayo makakapaghintay ng lima o sampung taon upang matiyak na ang bawat mag-aaral ay may komportableng silid-aralan.”)

Sa ilalim ng MOA, ang DepEd ang magtatakda ng pamantayan at maglalaan ng pondo, habang ang LGUs ang mangunguna sa procurement at konstruksyon.

“For students, it means classrooms will be completed sooner. For our teachers, it translates to a safer, a more conducive environment that they can teach in. And for parents, this gives them peace of mind, knowing that their children are learning in better facilities,” ani ng Pangulo.

(“Para sa mga mag-aaral, nangangahulugan ito na mas maagang magagawa ang mga silid-aralan. Para sa mga guro, ito ay nangangahulugan ng mas ligtas at kaaya-ayang kapaligiran upang magturo. At para sa mga magulang, ito ay nagbibigay ng kapanatagan dahil alam nila na ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa maayos na pasilidad.”)

Ang MOA ay suportado ng 2026 General Appropriations Act (GAA) na naglaan ng higit PhP85.39 bilyon para sa Basic Education Facilities, kabilang ang unang tranche na PhP9.6 bilyon. Sa naturang pondo, PhP4.1 bilyon ang inilaan para sa 1,200 silid-aralan na itatayo ng LGUs at higit PhP5 bilyon para sa 2,800 pre-fabricated classrooms ng DepEd.

“It’s only the beginning. We will continue to provide all the support that our children need,” diin ng Pangulong Marcos.

(“Ito ay simula pa lamang. Patuloy nating ibibigay ang lahat ng suportang kailangan ng ating kabataan.”) | PND