IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, hindi mangingialam sa impeachment complaints vs VPSD – Malacañang

Divine Paguntalan
116
Views

[post_view_count]

Muling pinagtibay ng Malacañang na hindi manghihimasok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga impeachment proceeding laban kay Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng mga paratang na siya umano mismo ang dahilan ng pagkaantala ng proseso.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, malinaw na nasa kapangyarihan lamang ng House of Representatives ang pagtalakay at pagdedesisyon sa impeachment complaints sa isang opisyal ng pamahalaan.

“The power to initiate and act on impeachment complaints is the sole prerogative of the House of Representatives,” saad ni Bersamin.

“Out of respect for institutions, the President will not interfere in a matter over which a co-equal branch has exclusive jurisdiction,” dagdag niya.

Matatandaang una nang sinabi ng Pangulo na hindi susuportahan ang pagsusulong ng impeachment laban kay VP Duterte dahil wala naman itong maitutulong sa mga kinakaharap na hamon ng bansa at masasayang lamang ang oras kung pagtutuunan ng pansin.

Si Duterte ay nahaharap sa tatlong (3) impeachment complaints kaugnay sa umano’y maling paggamit ng milyun-milyong pondo sa Office of the Vice President (OVP) at noong siya ay kalihim pa ng Department of Education (DepEd). – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

36
Views

National

Divine Paguntalan

148
Views