IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, hinimok ang Tesla na mag-manufacture ng EVs sa Pilipinas

Divine Paguntalan
203
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. led the launching of Tesla Center Philippines in BGC, Taguig City on January 20, 2025. (Screengrab from RTVM)

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang American multinational automotive and clean energy company na Tesla na mag-manufacture ng electric vehicles (EVs) sa Pilipinas.

Kasunod ito ng pagpapasinaya ng Tesla Center sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig City ngayong araw, Enero 20.

Sa talumpati ng Pangulo, binigyang-diin niya na hindi lamang environmental sustainability ang hatid ng Tesla sa bansa, kundi pati na sa pagpapalakas nito sa workforce sa mga Pilipino.

“With plans to expand further, Tesla is building a generation of Filipinos equipped to lead in the global shift towards sustainable technologies such as this,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

“It is our fervent hope that Tesla might one day choose to manufacture its vehicles in the Philippines,” dagdag niya.

Umaasa naman ang punong ehekutibo na marami pang kumpanya ang susunod para palakasin ang sektor sa mga susunod pang taon.

Tiniyak din ni Pangulong Marcos Jr. na tuluy-tuloy ang pamahalaan sa pag-adopt ng mga polisiya para mas madagdagan at mapaigting ang paggamit ng sustainable transportation sa buong bansa kasabay ng paghahatid ng sapat na pangangailangan ng para sa mga komyuter sa bansa. – AL

Related Articles