
Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community na nagtipon sa Busan, sinabi ng Pangulo na ang APEC meetings ang siyang tatalakay sa pagpapatibay ng ekonomiya, pagpapabilis ng mga serbisyo, at pagtitiyak na ang small at medium enterprises ay lubos na makikinabang mula sa inclusive growth.
“Para sa Pilipinas, malaking tulong ang APEC. Pinag-uusapan sa APEC kung paano mapapadali ang pagpasok ng negosyo. Mas maraming negosyo, mas maraming trabaho. Mas maraming trabaho, mas maraming oportunidad at mas matibay na ekonomiya para sa mga pamilya natin,” wika ng Pangulo.
Dagdag niya, mahalaga ang APEC sa edukasyon at skills exchange. Sa katunayan, sinabi ng Pangulo na sa ilalim ng partnerships na pinagkasunduan sa APEC, mas maraming kabataan ang magkakaroon ng access sa training at scholarship opportunities lalo na sa larangan ng digital skills, science at technology.
Magkakaroon din ng pagkakataon ang Pangulo na makipagpulong sa mga business leaders at partner governments upang maisulong ang mas malaking pamumuhunan sa mga industriya sa bansa kagaya ng teknolohiya, agrikultura at renewable energy.
“Our participation in APEC 2025 shows that the Philippines is an active and responsible partner in building a more innovative, fair, and interconnected Asia-Pacific region. We stand ready to work with our neighbors to ensure that progress is shared — no Filipino is left behind,” pahayag ng Pangulo. (Ulat mula kay Jinky Baticados)











