
Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang araw ng Setyembre 14, 2026 bilang special non-working day sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang bigyang-daan ang mga residente na makilahok sa kauna-unahang regular na parliamentary elections ng rehiyon.
Sa bisa ng Proclamation No. 1395 na nilagdaan noong Agosto 18 ni Executive Secretary Ralph Recto, binigyang-diin ang kahalagahan ng deklarasyon upang ganap na magamit ng mga mamamayan ang kanilang karapatan na bumoto.
“In order to give the people of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao the opportunity to actively and fully participate in the election and exercise their right to vote, it is but fitting and proper to declare Monday, 14 September 2026, as a special (non-working) day,” ayon sa proklamasyon.
Gaganapin ang unang regular na parliamentary elections ng BARMM sa susunod na buwan, Setyembre 14, matapos na ma-reset alinsunod sa Republic Act (RA) No. 12317.
Ang RA 12317 ay nag-amyenda sa Bangsamoro Organic Law at nagtakda ng mga pagbabago kaugnay ng halalan sa rehiyon.
Ang parliamentary elections ang magsisilbing mahalagang hakbang sa pagpapatatag ng “parliamentary form of government” sa autonomous region. – VC











