IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, iminungkahi sa Kongreso ang pansamantalang suspensyon sa pagpapatupad ng Real Property Valuation and Assessment Reform Act

Michael Peronce
68
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. spearheaded the 4th Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) Full Meeting of the 20th Congress on Thursday, August 7. (Photo courtesy to PCO)

Hiniling ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso ang pansamantalang suspensyon ng implementasyon ng Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA) para mapigilan ang karagdagang “property-related costs” sa mga negosyo.

Ang mungkahi ay layong suportahan ang mga pamumuhunan, at tiyakin ang unti-unti at makatwirang paglipat sa bagong property valuation system.

Ibinahagi ito ni Pangulong Marcos Jr. sa ikalimang pagpupulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Malacañang nitong Huwebes, Agosto 6, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

“Nagpanukala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa dalawang kapulungan sa LEDAC meeting nitong August 6, 2026 ng pansamantalang pagsuspinde ng pagpapatupad ng RPVARA o Republic Act No. 12001 upang maiwasan ang karagdagang mga gastos sa ari-arian para sa mga negosyo, suportahan ang mga pamumuhunan, at tiyakin ang isang dahan-dahan at makatwirang transisyon patungo sa bagong valuation system,” paliwanag ni Castro.

Sa kabila ng masamang panahong dala ng dating Tropical Storm Maymay, nagpatuloy ang Pangulo sa kanyang mga nakatakdang gawain kabilang na ang pangunguna sa LEDAC meeting.

“Hindi mapipigilan ang Pangulo sa pagtatrabaho kahit pa may bagyo,” saad ni Castro.

Kasama sa tinalakay sa pagpupulong ang pagpasa ng 24 LEDAC Common Legislative Agenda bills bago matapos ang Hunyo 2027. – IP